Exodus 37:10-16

Ang Paggawa ng Mesa na Nilalagyan ng Tinapay

(Exo. 25:23-30)

10Gumawa rin sila ng mesang akasya na 36 na pulgada ang haba, 18 pulgada ang lapad, at 27 pulgada ang taas. 11Binalutan ito ng purong ginto at nilagyan ng hinulmang ginto ang palibot nito. 12Nilagyan din nila ng sinepa
sinepa: sa Ingles, “rim.”
ang bawat gilid. Mga apat na pulgada ang lapad at nilagyan din nila ng hinulmang ginto ang sinepa.
13Pagkatapos, gumawa sila ng apat na argolyang ginto, at ikinabit ito sa apat na paa ng mesa, 14malapit sa sinepa. Dito nila isinuksok ang mga tukod na pambuhat sa mesa. 15Gawa sa akasya ang mga tukod na ito at nababalot ng ginto. 16Gumawa rin sila ng mga kagamitang purong ginto para sa mesa: pinggan, tasa, mangkok at banga na gagamitin para sa mga handog na inumin.

Copyright information for TglASD